Wednesday, October 16, 2013


                                                      “Ang Aking Talambuhay”
                                                        7 September 2013 at 16:45   


“Obligasyon kong maglayag, karapatan kong pumunta sa kung saan ko gusto, responsibilidad ko ang buhay ko.”

Ako po ay si Jennifer Coleen M. Damasco, labingwalong taong gulang. Isinilang noong ika-tatlumpo ng Sityembre taong isang libo siyam na raan siyam napo at apat (September 30, 1994). Ipinanganak po ako sa Talakag, Bukidnon. Ang aking mga magulang ay sina Ginoong Jason Vincent M. Damasco at Ginang Cecile M. Damasco.

Payak lamang po ang aming pamumuhay ng aking pamilya. Masayang nagsasama-sama at nagtutulong-tulong, ngunit hindi maiiwasan ang mga problema na talagang susubukin ang isang pamilya pero ang kailangan lamang ay pagmamahalan, pagtutulangan at pananalig sa Diyos upang malampasan ang lahat ng ito.

Ako ay pangatlo sa magkakapatid na sumunod sa aking kuya na si Christopher, na sumunod naman sa panganay naming si ate Jonjay Ang sumunod naman sa akin ay sina Jeojohn (Pangapat), Jasvincelou (Panglima), Jayceltheo (Panganim), Jannielou (Pangpito), at si Cedricjenson (ang aming pinakamamahal na bunso). Walo kaming lahat na  magkakapatid na binubuo ng dalawang lalaki at anim na babae at kami ay masayang nagsasama-sama. Minsan mayroon ding mga panahon na kami po ay nagaaway ngunit ito naman po ay madaling nasusolusyonan. Kay sarap pong magkaroon ng maraming kapatid na nagmamahal at minamahal, nagtutulong-tulong at nagaaruga sa isa't isa..

Mahal na mahal ko po ang aking pamilya maging sa hirap man o sa ginahawa. Kami po ay napakalapit sa isa't isa. Malaki po ang aking pamilya ngunit kaming lahat ay masayang nagsasama-sama na punong-puno ng pagmamahalan at pag-uunawaan sa araw-araw. At datapwat kami rin po ay dumaraan sa di pagkakaunawaan paminsan-minasan ngunit kami po ay madali namang nagkakaintindihan pagkatapos ng masinsinan at maayos na pagpapaliwanagan o pag-uusap. Mula pagkabata kami ay sinanay ng ng aming mga magulang na sa tuwing kami ay di magkakaunawaan dapat ito kaagad na pag-usapan at kaagad isaayos ang di pagkakaunawaan at huwag nang patagalin pa, sa madaling salita kung kami ay di nagkaunawaan ngayon dapat ayusin din kaagad ngayon din ora mismo at huwag nang ipagpabukas pa.

Sinisikap po naming lahat na ang buong pamilya ay magkaintindihan o naintindihin ang isa't-isa, sa ano pa man pong kadahilanan, maging ito man ay kamalian o imperpiksiyon. Kami ay tinuruan din ng aming mga magulang na magtulungan sa lahat ng bagay at huwag na huwag kalimutang kami ay magkakapatid na dapat magmahalan kahit ano pa man ang mangyari at kailan pa man, sa ano mang panahon, malayo o malapit man, dapat po ay di mawala at malimutan ang aming pagmamahalan.

Mahilig akong gumuhit, magbasa, kumanta, tumugtog ng gitara, sumayaw, kumain,  magsulat, mag-karate, mag-jogging, umarte, magluto, magpinta, sumali ng mga iba't-ibang patimpalak at marami pang iba. Mahilig rin akong mag-cover ng kanta at dina-download ko po ito sa youtube; ako rin ay nagblo-blog at doon ko nilalagay ang mga isinulat kong mga tula, sanaysay, artikulo, at sarili kong kwento at marami pang iba. Lahat ng masasarap na pagkain ay paborito ko—matakaw po ako.  Ang paborito kong kulay ay “pink” at wala akong paboritong asignatura sapagka’t ang pinakagusto ko sa edukasyon ay yung may natututunan ako. Lahat po ng mga bagay kung saan ako natututo ay siguradong-sigurado po na ito ay magiging paborito ko at talaga namang nagugustahan ko.

Ako po ay simpleng tao lamang, mapagmahal, mabait (kung mabait rin sila sa akin) ngunit kung minsan ay may pagka asar talo din po ako. Pranka din po ako at ayaw na ayaw ko sa taong sinungaling. Bilang kaibigan naman ako po ay mapag biro at siyempre may pagpapahalaga ako sa mga kaibigan at madalas ay inaala ko muna ang kanilang mararamdaman bago ako magsalita, ayaw ko po kasing sila mapahiya at masaktan hangat maari at maiiwasan.

Noong nasa edad tatlo pa ako hindi po raw ako marunong magsalita, sabi ng aking ama at ina. Ako ay natutong magsalita ng maayos noong ako ay apat na taong gulang na subalit may isang letrang hindi ko maisaayos, ang pagbigkas po ng letrang “s”.  Sa halip na “s” nabibigkas ko ito sa letrang “t”...katulad po ng salitang sorry na nagiging torry po sa pagbigkas... hehehe!!!

Noong ako ay nasa Kinder I, kinausap ng aking guro ang aking butihing ina sapagkat gusto po niya akong ilipat sa Kinder II sa kadahilanang ako daw po ay napakagaling ng magbasa at napakabilis pong matutu kaya ako daw po ay maari ng eh "accilerate from K-I to KII" ngunit hindi po pumayag si mommy kaya ako po ay nanatiling nasa K-I hanggang sa matapos ang taong iyon.

Noong nasa Kinder-II po ako, ako ang nangunguna sa klase. Kapag mataas ang marka ko sa aking mga asignatura, binibigyan ako ng malaking star ng aking guro. Ito ay tinatatak niya sa aking kwaderno. Masyang masaya po ako sa tuwing ako ay natatatakan ng maraming stars sa aking kuwaderno ng aking guro, kaya lalo ko pa pong pinagbubuti ang aking pag-aaral sa araw-araw.

Ako po ay nagtapos ng Kinder II sa Sta Cecilia Learning School, nagtapos po ako na nakamit ang unang gantimpala (gold medalist) at ako ang siyang nagbigay ng aking "validictory speech" sa araw ng aming pagtatapos.

Sa aking karanasan naman po sa buhay ang hindi ko po malimutan ay noong ako ay nakabangga ng isang malaking poste nang namasyal kami ng aking ina kasama ang aking kapatid sa Limketkai Mall noong ako ay bata pa. Sobrang dugoan po ng ilong ko ng araw na iyon. Ganito po kasi ang nangyari: Nagalit po ako sa kapatid ko dahil sa sobrang likot niya, sabi ko pa sa kanya “ Wag ka ngang malikot, pag ikaw nawala lagot ka.” Ay ayon! Sa aking pagharap di ko namalayan na nabangga po ko sa iang poste kaya dumugo po kaagad ang ilong ko sa pangyayaring iyon... hahaha!!! Nakakatuwa po talaga ang pangyayaring iyon sa tuwing ito'y aking naalala.

Noong ako din po ay bata pa, ako po ay napakalusog na bata at bihirang nagkakasakit... maayos naman ang aking kalusugan hangang sa ako ay dumating sa ikatlong baitang sa elementarya, at noong ako po ay tumuntong na ng ikaapat na baitang ako po ay biglang nagkasakit. Ako po ay siyam na taong gulang noon at malapit nang magsampong taong gulang. Ako po ay nakagat ng lamok na may dalang sakit na nakakamatay na "Dengue" ako po ay naipasok sa pagamutan sapagkat ako po ay na suri na may "Dengue-stage 4" kaya ako po ay nasalinan ng dugo, dalawampu't pitong pakete ng "white blood cells" ng dugong tipong B+, kung saan-saan na naghanap ng 27 katao ang aking mga magulang para lamang madugtungan ang aking buhay at sa mga panahong iyon kahit hindi nila sabihin na ako ay nasa malalang kalagayan, ito ay aking nararamdaman sapgkat ako ay nanghihina ng nanghihina at halos hindi na makatayo at binubuhat na lamang pamunta ng palikuran kung ako ay maiihi o matatae, tatlong Linggo ako sa pagamutan mahigit kumulang at sa araw-araw na ako ay nanghihina at nahihirapan ay nakikita ko ang aking ina na umiiyak at nalulungkot kahit sabihin pa ni mommy na siya ay hindi umiiyak o nalulungkot, hindi nila ako maluluko sa mga panahong iyon.

Ako ay nakaroon na ng takot sa mga nurses na maya-maya ay pumapasok sa aking silid para ako ay makunan ng "blood samples" tatlong beses sa isang araw para mabantayan nila kung tumaas ba o bumaba ba ang aking "white blood cells through CBC o complete blood count" . At sa awa ng Diyos sa itinagal ko sa pagamutan, isang araw bigla na lang nagkaroon ng napakagandang resulta, and aking CBC na dapat "normal count for females 270,000 na nagdown to cretical count of 20,000 and after the 27th bags of white blood cells transfused to my little body finally" dahan-dahang tumaas ang "CBC count" ko na siyang nagpaligaya sa lahat ng nagmamahal sa akin.

Sa wakas ako po ay gumaling na at nakuwi na sa bahay, akala namin ay maayos na ang lahat, ngunit nadiskubre namin na mahina na pala ang aking resistensiya at madali na akong nagkakasakit. Ako ay naging anemik at nakakaroon ng ibat ibang alergy sa pagkain, alikabok, hangin, init at lamig ng panahon. Madali na rin akong inuubo, sinispon at nilalagnat, lumala rin ang aking "tonsillitis infection" nahihairapan akong huminga ng madalas, paminsan minsan nagchechest pain din ako katulad ng ama ko at hinihimatay ng di nammamlayan. At sa pagsusuri po ng doctor ay nalaman namin na medyo mahina daw po ang puso ko at irregular din po ang heart beat count ko at ako din daw po ay may "Hyperventilation Syndrome Symptoms" isang "syndrome" po na minana ko po sa aking ama na mahina din ang puso at irregular din and heart beat count. At ang malala pa dito ay hindi lang pala po ako kundi minanana pa naming apat na magkakapatid and sakit at syndrome ni daddyAno ba yan? akala ko po ayos na ang lahat, hindi pa pala...bakit naman ganito ang tanong ko sa sarili? Ngunit maging ano pa man, ako pa po ay lubos pa ring nagpapasalamat sa Diyos na nalampasan ko ang pasubok na iyon, ang kamatayan.

At dahil sa mahina kung pangangatawan nagdesisyon na muna ang mga magulang ko na ako ay patigilin na muna sa aking pag-aaral upang magkapahinga daw po ako ng lubusan, para bumalik ang malakas at healthy ko na pangangatawan. At pagkatapos nga po ng dalawang taon ng pagpapalakas ay sa wakas ako ay pumasok na ngang muli sa paaralan, at dahil sa ayaw kung masabi nila na ako ay mahina at sakitin kaya ng ako ay mabigyan ng pagkakataon ako ay sumali sa isang "Martial Arts Class". Oo tama, ako ay nag aral ng karate at sumali sa larong "volleyball", kahit na paminsan minsan ako ay nahihilo at hinihimatay sa praktis wala pa rin po akong pakialam at patuloy pa rin po ako sa paglalro. Basta ang sabi ko lang po sa sarili ko "kayang-kaya ko ito at mas lalong akong magkakasakit kung iisipin kung mahina nga ako", kaya patuloy lang po ako sa aking paglalaro sa mga panahong iyon at maging hanggang sa ngayon.

Ang ikalima at ikaanim na baitang ang pinakamasaya at pinakamalungkot na pagkakataong aking naranasan sa buhay ko noon bilang isang estudyante ng elementary. Ito po kasi ang panahon ng pagbabago “socially” at “mentally”, kumbaga “puberty” sabi nga nila. Sa pampublikong paaralan nga pala ako pinag-aral ng aking mga magulang kasi malapit lang ang distansiya nito sa aming tinitirahan.

Hindi ko malilimutang pangyayari ng buhay ko noong ako ay nasa ika-limang baitang sa elementarya ay ng napuno na ako sa aking lalaking ka kaklase na humahanga sa akin, isang araw oras ng aming klase ay tinutukso niya ako na ako daw at siya ay nagmamahalan at kaming dalawa ay magkasintahan at sa galit ko sa narinig ko, sa kanyang mga kasinungalingan ay tumayo ako sa aking kinauupuan at nilapitan ko siya at hinampas ko po siya ng libro sa ulo, at dahil sa gigil at galit ko hindi pa po ako nakuntinto at siya ay pinagsisipa ko, hangang sa inawat kaming aming guro namin at sinabing "tama na iyan Jennifer" at pagkatapos ay pinagalitan niya ang kaklase kong lalaki dahil sa kanyang mga kasinungalingan at pinaupo niya ako balik sa aking upuan.

Sa ikaanim na baitang naman ay maroon din akong di malilimutang mga pangyayari, ang una- isang araw ako ay nagpapraktis ng karate nang ang schoolmate kung bakla ay bigla na lang akong inaasar at kung ano anong sinasabi habang ako ay nagpapraktis at akoy kanyang pinagtatawanan kaya sinabi ko sa kanya na "tigilan mo ako bayot kung ayaw mong masaktan" ngunit sadyang ayaw niya akong tigilan kaya sa galit at inis ko sa kanya, pagkatapos na pagkatapos ng praktis namin ay kaagad ko siyang pinuntahan at kaming dalawa ay naghabulan at ng siya ay aking naabutan ay talagang sinuntok ko siya at talaga namang nabigyan ko ng isang "black eye" ang baklang shioking lapastangan at walang magawa.

Ang ikalawa- isang araw ay binisita ko ang aking nakababatang kapatid sa kanyang silid aralan sa ikalawang baitang sa elemntarya, at sa di sinasadyang pagkakataon ay naabutan ko ang isangg yaya na may pinagagalitang bata, hindi ko kailan man inakala na ang batang iyon ay ang nakakabata kung kapatid na si Vince kaya ng mapansin ko na kapatid ko pala yong batang iyon tiningnan ko po ang babae at nakinig po ako sa kanya mga binibitawang salita sa kapatid ko at nagalit po ako sa kanyang mga sinasabi di mabubuting mga salita sa aking kapatid at tinuturo-turo pa niya ito, kaya sa galit ko sinabi ko po sa kanya "hoy babae anong ginagawa mo sa kapatid ko? bakit mo inaabuso ang batang iyan? hindi naman ganyan dapat makipag-usap sa isang bata, ang tanda mo na wala ka pa ring tamang pag-uugali." at kami ay nagkasagutan ng babaeng iyon, at sinabi ko sa kanya na "kung gusto mong galangin ka ng mga nakababata sayo dapat ay matutu ka ring gumalang sa kanila, hindi iyong pinapakita mo sa kabataan ay kung papaano maging isang masamang ehemplo, ang iyong kabastusan, isang pag-uugaling kasuklam-suklam at di di dapat pamarisan o tularan. Nakakalungkot lamang isipin na marami sa ating nakakatanda ay talaga namang sobrang pasaway, di man lang inisip na ang kanilang mga maling gawa ay maaring tularan ng mga kabataan nakakabata sa pag-aakalang ito ay tama. Ito ay isang npapakalungkot po na katutuhanan na nararapat itama ng mga nakakatanda.

Nagtapos po ako ng Elementarya sa Kauswagan Central School, hindi po ako napabilang sa "speed class" sapagkat ako po isang transfere galing sa isang pribadong paaralan, ngunit datapwa't ako'y nasa ordinaryong klase po lamang, ako pa rin po ang mangunguna sa aming buong klase kaya't ako po ay nagawaran ng bronsing medalya (broze medalist) sa araw po ng aking pagtatapos ng Elementarya. At sa araw po ng aking pagtatapos sa elementarya, wala na po akong iba pang iniisip kung hindi ang aking magiging “Highschool life”.

Ayon pa sa kanta ni Sharon Cuneta,

“High school life, on my high school life  Ev'ry memory, kay ganda  High school days, oh my high school days are exciting, kay saya “

“Curiosity of the world around us”, Ito ay isa sa mga ugali ng mga Scientist . Dahil sa curiosity ni Galileo Galileo sa heavenly bodies , siya ay kilala bilang ang unang taong gumamit ng teleskopyo upang pag-aralan ang buwan, ang araw, mga planeta at mga bituin. Ganoon din po ako ka curios kung gaanoon nga ba talaga ka ganda ang buhay sa hayskul kasi ayon nga naman sa awit ni Sharon Cuneta, naging masaya at maganda daw and buhay niya sa sekandarya. Sabi po ng mga magulang ko, marami daw ang mga oportinidad  na darating sa hayskul pero mas marami pa raw sa kolehiyo. Ako tuloy ay naaaliw dahil kung pwede ko lang kunin ang lahat ng oportunidad na darating sa buhay ko—kukunin ko po talaga at kung marami lang po ang katawan ko sasali po talaga ako sa lahat na oportunidad eh kaso hindi. Ay nako! bahala na lang ang Diyos kung saan ako puwedeng makasali...hehehe!!! Ako kasi yung tipon ng tao na gusto salinan lahat ng magagandang alok sa buhay na makakabuti at na nakakadagdag sa aking kaalaman—“versatile”nga kung tawagin nila sa Ingles.

Sa unang taon ko sa sekandarya naging “campus crush” ako sa aming eskwelahan—hindi sa nagyayabang ngunit gusto ko ring aminin na ang sarap pala po sa pakiramdam na maroon maraming humahanga sa iyo. Habang naglalakad ako sa pasilyo bawat “snack time” kinakantahan po ako ng mga sophomore, juniors at seniors na mga lalaki ng kanta ng dayuhang banda na Click Five na ang titulo ay “Jenny” sabay tugtog ng kanilang mga gitara.

“First you say you won't then you say you will you keep me hanging on and we're not moving on or standing still Jenny, you've got me on my knees Jenny, it's killing me”


Habang naririnig ko po ang mga kantang ito, ay nahihiya po ako, nawawalan ng lakas at siyempre natutuwa din naman po ako sa kanila. Kilala akong NBSB (No Boyfriend Since Birth) noong ako ay nasa una at ikalawang taon ng aking edukasyong sekandarya. Tinatanong po ako ng aking mga manliligaw ko kung bakit wala akong sinasagot ni isa sa kanila, hindi ko po sinasagot ang tanong nila noong una, nilalabas ko po lamang sa kabila kong tenga ang tinatanong nila. Pero nang ako ay napuno sa walang katapusan nilang tanong sinagot ko na sila na ng ganito, “I’m sorry, I’m just not ready for it now. I hope you all understand. Hindi naman sa nangbabasted ako eh ang kaso, mga bata panaman tayo. Let’s just enjoy our lives being young and focus to our studies at iba pang mga bagay na darating sa ating mga buhay, di naman kailangang magmadali. We’re all not ready for a relationship.” Seryoso kong sinabi sa kanila.

Sa ikalawang taon ko sa secondaryapa rin, ganoon pa rin po ang buhay ko sa aming paaralan maraming humahanga, kilala at parating pinag-uusapan, ngunit ng biglang may bahagyang pagbabagong nangyari. Noong mayroon kaming naging ka klase na nagseselos sa akin, kami ay magkaibigan pa noong unang mga araw ng klase hanggang sa unti-unti kung nalalaman na ako ay kanyang sinisiraan sa iba ko pang mga kaibigan dahilan upang siya ay aking layuan at hindi ko na siya kinaibigan. Mahilig siyang magparinig ang mga masasamang salita sa akin, siya ay nagmumura at kung ano ano pa. Hanga't isang araw na napuno na talaga ako sa kanya, kaya nilapitan ko siya at sinabihang- kung may problema ka sa akin huwag kang maraming sinasabi sa aking likuran sabihin mo sa akin kung ano man ang gusto mong sabihin sa harapan ko, hindi yung nananaksak ka ng kapwa mo patalikod "hypoctite backstubber".

At kami nga ay nagkasagutan at tinawag niya ako ng puta at kung ano ano pang masasamang tawag sabay mura siya ng mura. Ako ay isang tao na hindi mahilig magmura at di mahilig mag-eskandalo, "i always keep my cool all the time". Kaya ang ginawa ko po ako ay tumayo at sinabi ko sa kanya- alam mo ba na lahat ng tinatawag mo sa akin- ikaw yan, at puwede ba huwag kang mura ng mura kasi baka lumapit yan sa iyo ang kapwa mo demonyo na kanina mo pang tinatawag, baka tumakbo ka pa sa takot. Ayaw pa rin niyang tumigil kaya nagbilang po ako, sabi ko kung hindi ka pa rin titigil sa pag-iiskandalo makakatikim ka sa akin, eh ayaw pa rin pong tumigil, di sinampal ko siya, di natulala siya tapos gusto niya akong sugurin kaya sinipa ko siya at muntik siyang mahulog sa bintana sa ikalawang palapag, mabuti ma lang medyo mahina ang sipa ko kaya di siya mahulog, "and to make the story short" po na suspended ako ng isang Linggo at natangal ako sa "honors" at hindi nakatanggap ng medalya sa taong iyon, samantalang ang babaeng selosa at eskandalosa ay na "kick out" naman po sa aming school dahil alam naman ng mga guro at punong guro na matino akong estudyante at hindi pasaway at marami ding kaklase ko ang tumistigo na talaga namang pong binabastos niya ako kaya nangyari ang gulo.

Kahit ganoon pa po ang nagyari masaya pa rin po naman ang ikalawang taon ko sa sekandarya, ako pa rin ang lider, campus crush at aktibo pa rin ako sa mga ibat-ibang gawain sa eskwelahan, ang masama lang ay hindi na nga ako mabibigyan ng medalya sa pagtatapos ng taon. Pero okay lang po 'yon "thankful" pa rin po ako sa Diyos kahit nagkaganoon.

Sa ikatatlong taon ko sa hayskul inilipat ako sa ibang eskwelahan ng aking mga magulang kasabay ng aking tatlo pang mga kapatid na sina Jeo, Vince, at Jannie. Desiyon ng ama ko na ilipat kami sa ALC (Angelicum Learning Centre) dahil sa mga magagandang katugunan ng aking mga tita at tito tungkol sa eskwelahan na ito. Sabi nila ay mapapabuti ng eskawalahang ito ang aming pagharap sa mga tao o lakas ng loob, sosyal na abilidad pagpapahalaga sa sarili at mas mapapaunlad ang aming mga talento. Totoo nga sila sa kanilang mga sinabi kasi dahil sa paaralang ito ako ay hindi na po ako masyadong natatakot na magsalita sa harap ng mga tao. Dito ko rin unang naranasang sumali sa isang “Oratorical Contest” na ang tema ay “I speak for Democracy.” Ako ay nakapasok sa eliminasyon round na paligsahan at nakipag tagisan sa regionals. Nakuha ko ang premyo na “third prize” sa finals. Ginamit ko po ang premyo sa aking tuition para sa susunod na eksamen. Ako ay lubos na natuwa at nagpapasalamat sa Diyos sa malaking tulong na biniyaya niya sa akin sa araw na iyon. "Campus crush" pa rin po pala ako sa bago kung paaralan. Naalala ko pa ang sabi ng bago kung kaklase sa wakas may maganda na rin kaming classmate, nakakatuwa naman po talaga ngunit hindi ko po pinapahalata na ako ay nasisiyahan sa kanilang mga papuri sa akin, sapagkat ako po ay nahihiya din naman sa kanilang mga papuri at hindi isang taong mapagyabang..

Sa aming dula-dulaang paligsahan sa asignaturang Filipino na Noli Me Tangere, ako ang gumanap na Maria Clara.   At nanalo ng parangal na “Best Actress Award”. Ako ay nasisiyahan sapagkat gusto ko po talaga ang ginagawa kong pag-arte. Sa tuwing mayroong teatrong pagganap, ako ay parating “present” eh kasi naaliw ako sa ginagawa ko. Sumali din ako ng paligsahan sa pagkanta sa “Pres Con”, isang insterschool na paligsahan at nanalo ng second place. Nanalo din po ako ng "Best Supporting Actress" sa isang dula,  "1st runner up sa Cost Play " . champion sa "Poster Making " at marami pang ibang mga parangal.

Sa buhay pag-ibig naman ay naranasan ko ito noong ako’y nasa ikatlong taon na sa sekondarya. Siya ang pinakauna kong kasintahan, Brian Kyle V. Roosendaal ang kanyang pangalan, siya ay napaka gwapong lalaki, mabait, mapagmahal at sobrang "sweet" at ngayon ay dalawang taon at dalawang buwan na kami magkasintahan in a long distance relationship o LDR kung po kung sabihin nila... sa maikling kuwento: Kami ay magkababata at unang nagkilala noong kami ay nasa ika-apat na baitang pa po lamang. Hindi ko inaasahan na kami ay magkakaibigan sapagkat hindi naman po kasi kami magkasundo noong kami ay mga bata pa lamang at kami ay talagang mahigpit na magkaaway talaga kung magturingan at parati po niya akong napapaiyak sa mga panahong iyon. Kami ay nagkahiwalay nang mahigit walong taon, kasi pagkatapos ng aming ika-apat na baitang. Lumipat po kasi sila ng pamilya nila sa UK (United Kingdom) London.

Kami ay muling nagkita sa isang sikat na networking site na facebook o “mukhang libro” kung isalin mo sa Filipino, biro lamangng po, hahaha!!! At ayon na nga po ang nagyari, sa di inaasahang mga pangyayari, saka namin nalaman na mahal niya pala ako at mahal ko rin siya...at kami nga po ay naging magkasintahan sa pamamagitan ng tulong ng Skype noon po niy ako niligawan at napasagot ng matamis kung Oo, at sa ngayon nga po ay labis kaming nagmahalan at nangako sa isat-isa na talagang kami po ay magmamahalan habangbuhay at di maghihiwalay kahit ano pa ang mangyari sa tulong ng ating Poong Maykapal.

Nagkita po kaming muli ng personal noong Hunyo hanggang Hulyo ng taong dalawang libo at labing tatlo (2013). Masaya kaming namamasyal na parating magkasama. Madalas siyang pumupunta dito sa aming bahay at naglalaro kami ng DOTA, kumakanta ng VIDEOKE at, nanunuod ng iba't-ibang mga pelikula kasama ang aking pamilya. Magkabarkada o bestfriend ang turingan naming dalawa sa isa’t-isa. Ako ay maligaya at nagpapasalamat sa Diyos dahil kaming dalawa ay pinagtagpo niya, marami kaming mga pangarap sa buhay at sa ngayon ang aming "focus at priority" ay nasa aming pag-aaral, upang makatapos at magkaroon ng magandang kinabukasan sa hinaharap. "GOD IS GOOD ALL THE TIME AND ALL THE TIME GOD IS GOOD"

Noong ika-apat na taon ko sa hayskul ay isa po rin ako sa nangunguna sa klase. At sa maniwala po kayo o hindi ako lang po ang kauna-unahang estudiyante na natutulong sa silid aralan habang nagtuturo ang aming guro at ginigising na lamang po ako ng aking mga kamag-aral kung kami ay mayroong pagsusulit, at sa awa ng Diyos matataas naman po ang resulta ng aking mga pagsusulit minsan nga perfect score pa po. Kaya po siguro hindi ako napapagalitan ng aking mga guro kahit nakakatulog ako sa klase nila dahil sa matataas ko pong marka sa aming mga pagsusulit. Kaya ako po ay nagpapasalamat ng marami sa aking mga butihing guro sa kanilang walang sawang pang-unawa sa akin. Mahilig pa din po akong sumali sa ibat-ibang uri ng mga paligsahan. At ang natutunan ko po sa tuwing ako ay sumasali sa mga paligsahan ay nararapat po na malakas ang iyong tiwala sa sarili at dapat malakas din ang iyong pananampalataya sa Diyos, at huwag na huwag po nating kalimutang magdasal po upang makakamit po natin ang ating mga ninanais makamit at marating sa buhay.

Masayang-masaya pa rin po naman ang aking ikaapat na taon ko sa hayskul, at sa parihong paaralan o eskuwelahan pa rin po ako nag-aaral kaya pinagpatuloy ko lang rin po kung ano man ang nasimulan ko noong nakaraang taon, nagtatagumpay pa rin po ako sa bawat paligsahan sa awa ng Diyos at maganda parin naman po at matataas ang aking mga marka sa lahat ng aking mga asignatura.

At noong buwan ng Marso nga po dalawang libo labing tatlo (March 2013) ako po ay nagtapos na sa wakas ng "High School" o Mataas na Paaralan ng Sekandarya sa Angelicum Learning Center bilang "First Honorable Mention" na may grade average na 95.89% at ginawaran ng "Silver Medal" sa kadahilanang ako ay may total average na nararapat sanang maging "Salutatorian" ngunit sa kadahilanang ako ay isang transfere at isa lamang ang kanilang itatanghal na "Salutatorian" kaya ang akin pong ka klase na may kahalintulad po ng aking general average at loyal na mag-aaral sa kanilang paaralan dahil duon na po yata siya nakapag-aral mula "Preparatory" hanggang "High School" ang siya pong tinanghal na "Salutatorian" at "no big deal" po na ako ay napunta sa "First Honorable Mention" o nasa ikatlong karangalan (top three). Nakatangap din po ako ng mga "special awards" -ang "Athlete of the Year", "Orator of the Year" at "Best Researcher" at iba pa pong mga karangalan. To God be the glory po.

Ang ganda naman po pala talaga maging isang estudyante sa hayskul. Ang pakiramdam ko parang tumaas konte ang antas ng buhay ko. Yung pakiramdan na nadagdagan na naman po ang aking mga kaalaman sa buhay. Pakiramdam ko po ay parang tumanda ako at naging mas “mature” pa nang konte.

Tuwing ako ay may problema madalas akong  humihingi ng tulong at lakas ng loob sa Panginoong Diyos. Sa Kanya ko po sinasabi ang mga sama ng loob, kasiyahan, at paghingi ng kapatawaran ko po sa lahat ng aking kasalanang nagagawa sa araw-araw kung pamumuhay sa mundong ibabaw. Ako din po ay humihiling sa kanya na iligtas niya ako sa mga kapahamakan at tulungan niya ako sa tuwing ako ay malungkot at nawawalan ng pagasa sa buhay. Patuloy rin po ako sa pananalangin ng mga mabuting pangyayari sa aking buhay dahil ako ay naniniwala na ang tao, habang buhay ay may pag-asa at nasa tao ang gawa nasa Diyos ang awa sa lahat ng ating mga gawain sa buhay. Pinapanalangin ko rin po sa kanya na sana po ay hindi pabayaan ang aking mga mahal sa buhay at bigyan niya silang lahat ng malulusog na pangangatawan at iligtas din niya sa mga nakaakbang mga kapahamakan. At sana po ay makamit  na ng lahat ng tao sa buong mundo ang katahimikan at kapayapaan. Sa ngalan at dugo ni Kristo Jesus. Amen!!!

At ngayon sa panibagong yugto ng aking buhay bilang isang Nursing student, haharapin ko ang isang paglalakbay upang maabot ko ang aking mga pangarap. Ngayon ay sinisimulan ko po ito sa pagseseryoso sa aking pag-aaral, pagsisikap at pananalig sa Diyos. At ako ay umaasang balang araw ay makakamit ko rin ang lahat ng aking mga pangarap sa buhay. Na sana po balang araw ay makamit ko ang aking pangarap na maging isang tanyag at bantog na manggagamot o ang pagiging isang doktor, upang makatulong po sa mga taong nangangailangan ng serbisyong "medical". Sa tulong po at awa ng mahal nating Panginoong Kristo Jesus. Amen and Amen!!! :)

No comments:

Post a Comment